242

Sep 30, 2019 @ 20:10
By

Pinay sa Kuwait nabali ang mga paa sa pagtakas sa malupit na amo

Isang Filipina domestic helper sa Kuwait ang hindi na makalakad matapos mabali ang kanyang mga paa nang tumalon mula sa bahay ng kanyang employer.

Ayon sa netizen na si Sthephanie Aqui, ang pangalan ng naturang Pinay ay si Merlie Libumfacil na mula sa Dipolog City habang ang pangalan ng agency nito ay Mothersway.

Humingi siya ng tulong para makarating sa pamilya ni Libumfacil ang sitwasyon nito.

Aniya, ikinulong umano ang Pinay ng kanyang amo sa kuwarto kaya tumakas ito at tumalon mula sa bintana ng bahay.

“Please pa help. Po…. Kahit share lang para makarating sa kanyang pamilya… Name: Merlie Libumfacil Agency: Mothersway. Taga depolog daw sya… NSA hospital sya ngayun dto sa Kuwait. Nabali daw po dalawang paa nya.. Ikinulong kc sya sa kwarto at wala syang cp.. Kaya tumalon sya sa bintana. Iniinda nya daw ngayun ang subrang sakit dahil isang besses lang daw nakainum ng pain reliever cmula kahapon… Wala kasing tumulong sa kanya sa hospital… Yan lang po ang alam kung detalye mula sa kaibigan KO sa messenger .. Post KO lang baka sakaling makatulong,” sabi ni Aqui sa Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?