339

By

Pinay runner giniba ang 33-year record ni Lydia de Vega

Patuloy ang mga record-breaking performance sa 2019 Southeast Asian Games.

Nangibabaw si Kristina Knott sa preliminaries ng women’s 200-meter run para magtakda ng bagong SEA Games record sa pinakamabilis na finish sa nasabing category.

Tumapos si Knott sa oras na 23.07 clocking, pinutol ang pagrereyna ni De Vega na nagtakda ng 23.35 finish noong 1986.

Tinalo ni Knott sina Alvin Tehupeiory ng Indonesia at Thu Thu Ha ng Vietnam.

Sasabak ngayong gabi si Knott para masungkit ang gintong medalya sa nasabing event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?