323

Jan 24, 2021 @ 12:56
By

Pinay ring girl nagsabog ng kaseksihan sa McGregor-Poirier fight

Hindi lang ang bakbakang Conor McGregor at Dustin Poirier ang dapat tutukan ng mga UFC fan, lalo na ng mga Pinoy.

Ito’y dahil isang Pinay lang naman ang ring girl para sa rematch ng dalawang bigating fighter sa lightweight division.

Sa social media post ni Red Dela Cruz, binahagi niya ang ilang larawan habang nasa duty para sa megafight.


Si Red ay isang Pinay na nanalo sa UFC Octagon Girl Search noong 2015.

Nagwagi din siya bilang Ring Girl of the Year sa Asia MMA awards noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?