1,558

Mar 8, 2021 @ 13:38
By

Pinay OFW na-depress sa Riyadh, nagpatiwakal sa FB live

Isang babaeng overseas Filipino worker ang nagbigti habang naka-live sa Facebook matapos malugmok sa depresyon sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa ulat, residente ng San Lorenzo, Guimaras ang Pinay na nagpakamatay nitong umaga ng Sabado.

Sa panayam ng Aksyon Radyo Iloilo sa mister ng babae, nakausap pa niya ang kanyang misis gabi bago mangyari ang trahedya at wala naman umano itong senyales na ipinakitang may balak siyang kitilin ang sariling buhay.

Anang mister, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapagtanto kung ano ang nag-udyok sa kanyang misis para magpakamatay.

May dalawang anak na naiwan ang babae sa nasabing probinsya.

Kaugnay nito, may inilunsad na 24/7 hotline ang National Center for Mental Health 24/7 Crisis para sa mga Pinoy na nangangailan ng counselling o kausap hinggil sa kanilang mental health:

Mobile: 0917-899-8727

Landline: (02) 7-989-8727o 1553 (toll-free)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?