102

Oct 10, 2021 @ 13:44

Pinay nurse tinodas ng palaboy sa New York

Patay ang isang 58 anyos na Pinay nurse matapos atakehin ng isang palaboy sa Times Square sa New York.

Kinilala ang biktima na si Maria Luningning Ambrocio, isang nurse sa Bayonne Medical Center sa New Jersey.

Batay sa report ng New York Police Department, intake ng 26-anyos na palaboy na nakilalang si Jermaine Foster ang Pinay habang naglalakad ito sa Times Square kasama ang kaibigan nito.

Napag-alaman na galing sa Philippine Consulate ang biktima bago naganap ang pag-atake noong Biyernes.

24 na oras na brain dead ang Pinay nurse bago ito pumanaw sa Bellevue Hospital sa New York nitong Sabado, October 9, 2021.

Ayon sa mga imbestigador, may dalawang biktima pa ang inatake ng palaboy bago nito pinagdiskitahan ang Pinay.
Hindi pa malinaw kung panibagong kaso ng hate crime ang insidente.

Nabatid na pauwi sana ang biktima sa Pilipinas para ilibing ang abo ng kanyang ama na namatay sa coronavirus noong Abril nang mangyari ang insidente.

Nahaharap sa kasong robbery ang suspect at posibleng sampahan ng kasong murder dahil sa pagkamatay ng Pinay.(Dave Llavanes Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?