73

Mar 31, 2020 @ 12:33
By

Pinay nurse namatay sa coronavirus sa US

MIAMI FLORIDA – Namatay noong March 27 dahil sa coronavirus ang isang beteranang Pinay nurse sa Miami sa Florida sa US.

Kinilala ang Pinay na isang associate nurse manager sa surgical intensive care unit ng Jackson memorial hospital na si Araceli Buendia Ilagan, 63 na toang gulang at 33 taon ng nurse sa Florida.

Kinumpirma ng Jackson Health System na namatay sa kumplikasyon ang biktima sanhi ng coronavirus.

Si Ilagan ay kabilang sa mga frontliners na tumutulong sa mga COVID19 patient na nasa ICU kung saan pinaniniwalaang nakuha siya ang sakit.

March 24 nang magkaroon ito ng sintomas ng nakakamatay na virus.

Kasalukuyan may 5,473 kaso ng COVID19 ang florida kung saan 63 ang naitalang patay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?