336

Jan 1, 2021 @ 21:00
By

Pinay nilibot sa iba’t ibang bansa ng Arabong amo

Halos nalilibot na ng isang OFW ang buong mundo matapos niyang makatagpo ng mabait na employer.

Sa ulat, ikinuwento ng Pinay na si Che Borres ang pagsama sa kanya ng among Arabo sa iba’t ibang bansa.

Akala dati ni Borres ay sa mga libro at social media lamang niya makikita ang mga tourist spot gaya ng London Bridge pero dahil sa kabutihan ng kanyang amo ay nasilayan niya ito.

Limang bansa na raw ang kanyang napuntahan sa halos dalawang taon pa lamang niya sa Saudi Arabia.

Maliban sa Saudi, napuntahan na niya ang limang lungsod sa Germany, Amsterdam, Dubai at Bahrain.

Kaya paalala niya sa iba, hindi lahat ng Arabo ay salbahe

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?