43

Feb 12, 2021 @ 11:02
By

Pinay NBC reporter biglaan ang pagpanaw

NEW YORK- Ikinagulat ng media industry sa New York ang biglaang pagpanaw ng NBC Pinay reporter at anchor na si Katherine Creag.
Inanunsyo ng pamunuan ng NBC New York ang pagpanaw ni Katherine na sampung taon ng nagtatrabaho sa naturang kompanya.
Isa sa mga anchor na napapanood sa morning newscast ng NBC Channel 4 sa New York si Katherine.Si Katherine ang isa sa mga Filipino- American journalist na nagpo-promote ng kulturang Pinoy at Filipino food sa New York.


Nagtapos ng kolehiyo sa New York University at tumanggap rin ng kaliwa’t kanang parangal si Katherine mula sa Emmy, Associated Press at Edward R. Murrow Award.
Isinilang sa Maynila si Katherine ng inang si Cecilia pero lumaki sa Warsaw, Indiana.
Hindi na binanggit kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay na ayon sa statement ng NBC ay nagtrabaho pa kahapon bago binawian ng buhay sa kanyang tahanan.
Naulila ni Katherine ang kanyang asawa at tatlong anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?