15

By

Pinay natagpuang patay, lumulutang sa ilog sa Malaysia

Sharing is caring!

Nakitang palutang-lutang ang bangkay ng isang Filipina sa Pengalan River sa Sabah, Malaysia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, may palatandaan na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ni Madelyn Bernardo Asuncion dahil nakitaan ito ng mga sugat sa katawan noong Nobyembre 28, batay sa isang plantation worker.

Hinihintay naman ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur ang official report at resulta ng awtopsiya mula sa mga awtoridad.

Nagmula umano si Asuncion sa Zamboanga City pero naninirahan kasama ng kanyang ama sa Malaysia ng may sampung taon na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?