21

Jan 21, 2021 @ 16:18

Pinay nanguna sa Billboard charts

Pumalo sa top spot ng dalawang chart ng Billboard ang kanta ng 17-anyos na part-Filipino singer.

Isang linggo lang matapos ilabas ni Olivia Rodrigo ang kantang “drivers license,” ang kanyang unang awitin bilang solo artist, nanguna na ito sa Hot 100 at Global 200.

Si Rodrigo ay sinilang at pinalaki sa California, US ng kanyang tatay na Pilipino at nanay na German-Irish.

Ang Hot 100 chart ay batay sa lahat ng radio play, sales data, at online streaming sa United States.

Samantala, sa Global 200 chart pinapabilang ang mga kanta worldwide. Binabatay ang ranking sa streaming at sales activity ng mga kanta mula sa 200 sulok ng daigdig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?