479

Nov 1, 2018 @ 14:40
By

Pinay nakaligtas sa bitay sa UAE

Nakaiwas sa parusang kamatayan ang isang overseas Filipina worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) matapos manalo ang apela para rito ng pamahalaan.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang OFW sa pangalang Jennifer Dalquez, tubong General Santos City.

Hinatulan ito ng bitay noong 2015 matapos na madiin sa kasong pagpaslang sa employer.

Pinawalang-sala ito matapos umapela ng Philippine Embassy sa korte roon.

Sa abiso ni Ambassador to Abu Dhabi Hjayceelyn Quintana, nilalakad na ang pag-uwi ngayong gabi ni Dalquez dito sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?