118
Pakistani na may pekeng visa, naharang sa NAIA
By

Pinay naharang sa pekeng passport

Naharang ang isang Filipina na patungo sana ng Tokyo, Japan matapos niyang magpresinta ng pekeng pasaporte sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), limang araw sanang maglalagi ang 19-anyos na Pinay sa Jeju Island at Tokyo kasama ang kanyang boyfriend.

Pero napansin ng mga sumuring opisyal ng BI na walang security features ang passport ng babae.

Nakumpirma naman sa forensic document laboratory na peke ang passport ng Pinay.

Ayon sa babae, nagbayad siya ng P2,000 sa fixer noong Hulyo para sa kanyang pasaporte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?