26

By

Pinay na lumutang sa ilog sa Malaysia, pinatay – DFA

Sharing is caring!

Malakas ang kutob ng Department of Foreign Affairs na pinaslang ang Filipina na ang bangkay ay natagpuan sa isang ilog sa Malaysia.

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, isang plantation worker ang unang nakakita sa lumulutang na bangkay sa Pengalan River sa Sabah noong Nobyembre 28.

Kinilala ang biktima na si Madelyn Asuncion.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose may mga ebidensya na magpapatunay na pinatay si Asuncion at base na rin aniya sa mga ulat ng awtoridad.

Ayon pa sa DFA, hinintay na lang ang opisyal na ulat ukol sa insidente maging ang autopsy report.

Ibinahagi ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur na tubong Zamboanga City ngunit 10 taon na itong naninirahan sa Malaysia kasama ang kanyang ama.

Nagpa-abot na ng mensahe ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ni Asuncion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?