179

Sep 21, 2019 @ 14:55
By

Pinay na lola, mga apo na-rescue sa New Jersey

Nagsilbing susi ang mabahong amoy na nagmumula sa isang bahay sa Jersey City, New Jersey para masagip ang maglo-lolang Filipino na inabandona sa kanilang bahay.

Ayon sa report, ilang araw na umanong hindi nakikita ng kanyang mga kapitbahay si “Tita Cora” na nagtulak sa mga ito para ipaalam ito sa awtoridad.

Kilala umano si “Tita Cora” sa lugar dahil involved umano ito sa iba’t ibang Filipino events sa New Jersey.

Lunes ng umaga, nagtungo ang Quality of Life task force sa isang bahay sa Wayne Street at dito nadiskubre ang 83-anyos na si Cora Bisogno at dalawa niyang apo.

Natagpuan ang mga bata, na may edad 11 at 16, na balot na ng mga langaw habang ang bahay ay puno ng mga tae.

Ni-rescue rin ang siyam na aso na tila mayroong skin disease.

Inaresto ang anak ni “Tita Cora” at nanay ng dalawang bata na si Bernadette Bisogno, 48, at kinasuhan ng two counts ng “endangering the welfare of a child” at one count ng “neglecting the elderly” dahil sa pagpapabaya sa maglo-lola.

Kasalukuyan nang ikinandado ang naturang two-story home habang dinala ang mga bata sa Child Protection Agency.

Ang kanilang lola naman ay dinala sa ospital at handa nang i-discharge.

Inaayos na umano para masigurong may matitirahan ang matanda.

Nakakulong naman si Bisogno sa Hudson County jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?