179

Sep 13, 2019 @ 19:51
By

Pinay na inabuso ng employer sa Dubai, na-rescue

Nagpapasalamat ang isang Filipina worker sa mga kababayang OFW sa Dubai, United Arab Emirates matapos siyang mailigtas dahil sa tulong ng mga ito.

Ayon sa report sa “Balitanghali”, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Philippine Overseas Labor Office sa Dubai ang biktima.

Kuwento ng biktima, nagkaroon sila ng hindi pagkakasundo ng kanyang employer kaya nakiusap siyang umalis na sa trabaho at maihatid sa kanyang agency.

Pero imbes na dalhin sa kanyang agency ay iniwan siya ng employer niya sa isang lugar na hindi siya pamilyar at tinangay pa ang kanyang pasaporte.

Ibinunyag din nito na ginugulpi siya ng employer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,