182

Jan 13, 2021 @ 20:08
By

Pinay na ina ng Hollywood actor pumanaw na

Inanunsyo ng American comedian na si Rob Schneider ang pagyao ng kanyang ina na isang Pilipina.

Sa Instagram post, sinabi ni Rob na mapayapa ang pagpanaw ng kanyang inang si Pilar Monroe Schneider “after spending a perfect Sunday evening family dinner surrounded with loved ones at her side.”

Ayon kay Rob, lumaking walang ama ang kanyang ina, na isang Amerikanong sundalo.

Isa rin aniyang World War 2 survivor ang mommy Pilar niya.

“A world war 2 survivor from the Philippines, her mother had small pox and she was raised for the first 3 years by her aunt. Then one day this well dressed family showed up and told her they were her family and introduced her to her mother, Victoria,” ani Rob.

“Pilar grew up without a father (an American Soldier she never met until by accident 22 years later in San Francisco) who abandoned her family before Pilar was born. Pilar’s brother’s John and Bill were both killed by the Japanese as teenagers,” patuloy niya.

Ipinanganak din daw si Pilar na American citizen at nakapagtapos sa University of Santo Tomas saka nanirahan sa US noong 1950s.

Tatlong dekada rin aniya itong naging guro.

Samantala, ilan sa mga movie na pinagbidahan ni Rob Schneider ang “Grown Ups” at “Deuce Bigalow: Male Gigolo”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?