6
dfa
By

Pinay na binuhusan ng kumukulong tubig ng among Arabo, pauwi na

Sharing is caring!

Makakauwi na bukas sa kaniyang pamilya rito sa Pilipinas ang Pilipinang kasambahay sa Saudi Arabia na binuhusan ng kumukulong tubig ng kaaanak ng naging amo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, darating bukas ng umaga si Pahima Alagasi, single mother buhat sa Pikit, North Cotabao.

Noong Mayo 2014, iniulat na naospital sa Saudi si Alagasi dahil sa tinamong lapnos sa likod.

Hindi naman ito agad na nakauwi sa bansa dahil nagkontra-demanda ang kanyang amo.

Sa tulong ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia, naipabasura na ang kinaharap nitong kaso kaya makakalipad na pabalik ng Pilipinas.

Sa kaniyang pag-uwi, binigyan pa ito ng pamahalaan ng Saudi Arabia ng katumbas ng dalawang buwang suweldo.

Ihahatid naman ito sa bansa ni Ambassador to Riyadh Adnan Alonto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?