144

Dec 11, 2017 @ 9:41

Pinay MMA inalat sa Thai champ

Hindi umayon ang suwerte kay Pinay mixed martial artist Rome Trinidad nang talunin ni Thai MMA superstar Rika “Tinydoll” Ishige sa dumagundong na One: Warriors of the World sa Impact Arena, Bangkok, Thailand Sabado ng gabi.

Ipinamalas ni Ishige ang husay sa pag-atake at kampanteng nakipagpalitan ng kumbinasyon kay Trinidad sa loob ng dalawang rounds bago naimarka ang submission finish tungo sa panalo.

Pokus sina Ishige at Trinidad sa laban na sumentro sa ONE Championship cage sa halos kabuuan ng match, na natapos sa second round nang kubabawan ni Ishige Trinidad daan para mailatag sa mat at pumailalim para sa bout-ending rear naked choke na nagpuwersa sa Pinay na mai-tap.

Impresibong winakasan naman ni Alex “Little Rock’ Silva ng Brazil ang karibal upang maitali ang One Strawweight world championship belt laban kay Japanese Yoshitaka Naito.

Dominante ang striking performance sa pagpakawala ng bagong istilo ng pakikihamok at matatalas na kumbinasyon, sinalya ni Silva si Naito at hindi na nagpatumpik-tumpikpa sa pagpapakawala ng mga banat at tadyak.

Sa co-main event,impresibo ang pagbabalik sa cage ni Russian veteran Rasul Yakhyaev nang masilat si hometown hero Shannon “OneShin” Wiratchai sa kanilang three-round lightweight encounter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?