30

By

Pinay MMA fighter Iniong, niresbakan ni Yamaguchi

Sharing is caring!

Tinotoo ni Japanese martial arts veteran Mei ‘VV’ Yamaguchi ang bantang babawian niya si Filipina MMA fighter Gina Iniong.

Sa ONE: Immortal Pursuit sa Singapore Indoor Stadium Biyernes ng gabi, nagawang dominahin ni Yamaguchi ang Pinay para ikahon ang impresibong unanimous decision victory.

Mahigit tatlong taon na ang nakakaraan sa Manila, itinakas ng 28-anyos na produkto ng Team Lakay na si Iniong ang manipis na split decision win kay Yamaguchi.

Pagkatapos ng panalo sa Singapore, sinementuhan ni Yamaguchi ang pangalan bilang top contender sa ONE Championship female atomic weight bracket.

Kumonekta ang signature right hand at takedowns ni Iniong sa round one, pero nakabalik sa second si Yamaguchi sa bisa ng kanyang grappling technique.

Sa canvas, nilamog ng Japanese ang Pinay pero hindi maikasa ang submission.

Pagdating ng third, hindi na pinayagan ni Yamaguchi na makabawi si Iniong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?