59

Feb 16, 2020 @ 12:52
By

Pinay lola bibida sa ‘Blue’s Clues & You’

May dagdag na karakter sa panibagong season ng Nickelodeon children’s show “Blue’s Clues & You”: ang Pinay lola ni Josh.

Gaganap dito si Filipino-Canadian singer-actress Carolyn Fe.

Una nang nagpakitang-gilas si Fe sa Toronto play na “Hilot Means Healer” ni Jo SiMalaya Alcampo.

Naglabas din ito nitong 2019 ng kanyang blues album na “Sugat Ko.”

Susundan sa second season sina Josh at tutang si Blue, at pagbibidahan ng mga dating host ng show na sina Steve (Steve Burns) at Joe (Donovan Patton).

Nobyembre 2019 nang i-reboot ang “Blue’s Clues & You” kasama ang Filipino-American host na si Joshua Dela Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?