112

Nov 5, 2017 @ 11:07

Pinay lifters 3rd sa Asia

Tinrangkahan ni triple gold medalist Elien Rose Perez ang Team Philippines na nag-third overall sa women’s division ng 2017 Asian Senior Cup Weightlifting Championships noong Oct. 28-Nov. 2 sa Yongha Weightlifting Gymnasium sa Yanggu, Gangwon, South Korea.

Naka-treble si Perez sa women’s 53-kg play, namayagpag sa snatch (71 kgs.), clean and jerk (87kgs) at total lift (158kgs) laban kay Nepal’s Sanju Chandhary, na bumuhat ng 61-77-138.

Sinuklian ang tikas ni Perez ng podium finishes nina Elreen Ann Ando sa 63-kg category at Ma. Dessa delos Santos sa 58-kg hostilities.

Naka-silver si Ando sa snatch sa 88kgs likuran ni Korean Lee Su Min’s 89kgs, at nag-bronze sa jerk (110kgs) at total (198kgs). Si Uzbekistan’s Fayzullaeva Kumushkon ang naka-mint sa jerk (114kgs) at total (201kgs).

Tumersera naman si Delos Santos sa 81kgs (snatch), 96kgs (jerk) at 177kgs (total) sa pagbuntot kina Uzbekistan’s Nabieva Muattan, na nawalis ang golds sa 91-106-197 at Korea’s Ham Eun Ji, na silver medalist sa 82-105-187.

Ang Uzbekistan’s female lifters ang overall champ sa Senior Cup ungos sa host Korea at Phils.

Ang Cup tournament ang naging Inter-club championships din ng competition, at nakatatlong pilak si Perez sa likod ni Korea A’s Par Da Ae (75-96-171). (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?