23

May 3, 2021 @ 13:59
By

Pinay karateka, wagi ng ginto sa Portugal

Ibinulsa ni Filipina-Japanese karateka Junna Tsukii ang gintong medalya sa women’s kumite -50kg category sa World Karate Federation Premier League nitong Mayo 3 (Philippine time) sa Lisbon, Portugal.

Inungusan ng 29-anyos ang pambato ng Kazakhstan na si Moldir Zhangbyrbay, 2-0, sa final round upang maiuwi ang ginto.

Kasunod ito ng upset niya sa two-time world champion na si Alexandria Recchia ng France, 2-0, sa semifinal round.

“Look at my first gold medal on the world caliber stage,” sambit ni Tsukii sa kanyang Facebook post.

Ang nasabing torneo ay parte ng paghahanda ni Tsukii para sa darating na Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Paris, France sa susunod na buwan.

Si Tsukii ay nagwagi na ng ginto sa Southeast Asian Games at tanso naman sa Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?