647

Jun 28, 2019 @ 15:32
By

Pinay karateka Pangilinan nais maging world champ

Sisipa sa pangalawang pagkakataon ang pinakabagong pambato ng Philippine National Karatedo Team na si Sarah Pangilinan sa Asian Karate Federation Tournament sa Uzbekistan sa Hulyo 14-21.

Kagagaling lamang ng Fil-Japanese karateka sa pagsipa ng tansong medalya nitong Abril sa 18th AKF Asian Karate Championships sa Malaysia sa Cadets Girl’s Kata category.

Apat na taong gulang si Pangilinan nang magsimula mag-karate nang ma-inspire ito sa isang Japanese cartoon character.

Sa ngayon ay nasa bansa si Pangilinan upang mag-ensayo kasama ng National squad bago sila lumpiad patungong Uzbekistan sa Hulyo 13.

Ang kompetisyon din na ito ay isang qualifying tournament upang makalikom ang koponan na puntos tungo sa 2020 Tokyo Games.

“I am very happy to represent the Philippines so I have to get medal and I have to win. I want to be world champion,” saad ni Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?