6

By

Pinay journalist wagi sa Reporters Without Borders

Sharing is caring!

Nakamit ni Filipina journalist Inday Espina Varona ang prestihiyosong Reporters Without Borders (RSF) Prize for Independence.

Ang nasabing parangal ay iginagawad para sa mga journalist, media at non-government organization na hinaharap ang mga pressure pampulitikal, pinansiyal, at relihiyoso.

“A veteran journalist, (Inday Varona) has done a lot of reporting on issues that are sensitive in the Philippines, such as child prostitution, violence against women, LGBT issues and the Moro Islamic Liberation Front on the island of Mindanao,” paglalarawan ng RSF sa beteranong mamamahayag.

Si Varona ay nakasama rin sa listahan ng TIME Magazine sa 25 Most Influential People on the Internet sa 2018 dahil sa kanyang #BabaeAko campaign, na naglalayong iparating sa madla ang mga hinaing ng kababaihan.

“I share this with embattled Philippine colleagues: the 185 killed since the 1986 restoration of a fragile, perpetually threatened democracy, 12 of them in the first two years of President Rodrigo Duterte’s rule,” saad ni Varona sa kanyang Facebook account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?