160

May 31, 2018 @ 11:41

Pinay illegal recruiter sa NY, arestado dahil sa Visa fraud

Woodside, New York – Inaresto ng Federal agent ang isang pinay matapos na matuklasan ng U.S Department of State, Diplomatics Security service ang anumalyang ginagawa ng kumpanyang Professional Placement & Recruitment Incorporated na may tanggapan sa Woodside, Queens.

Binasahan ng demanda sa harap ng federal grand jury sa Brooklyn at Pansamantalang pinalaya ng korte si Rena Beduya Avendula, managing executive ng naturang kumpanya matapos na magbayad ito ng Pitumput Limang Libong Dolyar ($75,000) O halos apat na milyong piso sa sala ni Magistrate Judge Ramon E. Reyes, Jr. sa Brooklyn, New York.

Batay sa indictment ng U.S Department of Justice Attorney for the Eastern District of New York, simula October 2009 hangang February 2015 nagsumite ng pekeng mga dokumento at pekeng trabahong si Avendula sa United State Citizen and immigration Services na nagbigay daan para sa mga kliyente nito sa Pilipinas na makapunta sa Amerika gamit ang H-1B Visa program.

Siningil daw ng kumpanya ni Avendula ng $15,000 ang bawat aplikante kapalit ang pangakong trabaho at mataas na sweldo pag-dating sa Amerika.

Trabahong nursing staff para sa mga healthcare facilities, residential nursing facilities at provided care para sa mga matatanda ang mga trabahong inalok ni Avendula sa mga aplikante sa Pilipinas kung saan ang Ilan sa mga ito ay nakarating sa Amerika pero wala naman trabahong naibigay ang naturang kumpanya.

Five count of visa fraud ang kasong kinahaharap ni Avendula, at kung mapapatunayang nagkalasa maari itong makulong ng Limam-pung taon. Dave Llavanes Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?