300

Dec 4, 2021 @ 15:05
By

Pinay housekeeper, natagpuang dedo sa Las Vegas

Isang 61-anyos na Pinay housekeeper ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang hotel room sa Las Vegas, USA noong Linggo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kinilala ang biktima bilang si Basilisa Tagget-Smith.

Isinugod pa umano sa pagamutan si Smith ngunit idineklara ring patay na.

Samantala, pinawi ng kanyang anak na si Lemuel ang anggulo ng foul play at sinabing natural cause ang ikinasawi ng kanyang ina.

“Hindi siya pinatay ng ibang kriminal. Nagstroke lang sya sa pinagtatrabahuan niya. Natumba, nabagok ang ulo nya. Nagkabukol. May dugo doon sa pader na natumbahan nya,” pahayag ni Lemuel.

Si Smith ay tubong Bohol at nagsimulang tumira sa US noong 1987.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?