Pinay grappler Meggie Ochoa nakasungkit ng ginto sa London

Sharing is caring!

Naiuwi ni Filipina Brazilian Jiu-jitsu specialist Meggie Ochoa ang gintong medalya sa Abu Dhabi Grand Slam Jiu-Jitsu World Tournament na ginanap sa Copper Box Arena sa London.

Naitumba ng 28-anyos na si Ochoa, na kinatawan ang ATOS Jiu Jitsu, ang apat na Purple Belts para kunin ang top prize sa Female Adult 49kg division.

Tinalo ni Ochoa si Luna Barea ng Spain sa semifinals bago pinasuko si Fransisca Nelson ng Indonesia upang maitakas ang panalo sa loob lang ng limang minuto.

Si Ochoa ay kinokonsiderang isa sa best grapplers sa Pilipinas.

Siya rin ay 3-time International Brazilian Jiu-Jitsu Federation world champion at nakapag-uwi na rin ng matataas na karangalan sa jiu-jitsu tournaments sa iba’t ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?