53

Aug 4, 2021 @ 11:16
By

Pinay golfers Bianca Pagdanganan, Yuka Saso happy-happy muna bago round 1 ng laban

Handa na sina Pinay golfers Bianca Pagdanganan at Yuka Saso sa pagsabak sa round one ng women’s golf sa Tokyo Olmpics ngayong araw.

Pero baga ‘yan, nagkaroon muna ng good time ang dalawa.

Bigla kasing nag-ala Tito Boy si Pagdanganan nang biglang kapanayamin si Saso.

“What is the best golf shot you’ve ever hit?”

“My tee shot on the 16th in Augusta National Amateur, I think I had a pretty good shot,” tugon niya.

Ani Saso, isang magandang karanasan ang makalaro sa Augusta dahil sa magandang golf course nito.

Parehong maglalaro sina sa Saso at Pagdanganan sa individual category ng women’s

golf.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?