26

By

Pinay gaganap na Batgirl sa Harley Quinn movie

Napiling gumanap bilang Cassandra Cain na mas kilalang si Batgirl ang Filipino-Korean actress na si Ella Jay Basco.

Kasama siya sa casting ng spinoff movie ni Harley Quinn na “Birds of Prey” kung saan nakatakdang magbalik ang original na gumanap na si Margot Robbie.

Unang gumanap si Robbie bilang Harley Quinn sa 2016 movie na “Suicide Squad”.

Si Basco ay anak ni actor Derek Basco at pamangkin ni Dante Basco.

Nakatakdang ipalabas ang “Birds of Prey” sa February 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?