76

Dec 10, 2020 @ 22:56
By

Pinay frontliner sa US sinorpresa ng bagong kotse

Maaga ang Pasko para sa isang Filipina nurse sa Los Angeles, California.

Sinorpresa kasi siya ng bagong kotse ng sikat na TV host sa Amerika na si Ellen DeGeneres.

Sa video na naka-post sa official YouTube channel ng The Ellen DeGeneres show, naitampok ang Pinay na si Flor Roz, na nurse sa mga COVID-19 patient.

Kuwento ni Roz, pinangarap niyang maging nurse dahil bata pa lamang daw siya ay mahilig na siyang tumulong sa mga tao.

Ilan sa mga sakripisyo niya ngayong pandemya ang ilang buwan nang hindi pag-uwi sa bahay nila para makapiling ang asawa at 2-anyos nilang anak dahil expose siya sa virus.

“It’s just heartbreaking not to see your family. But I can’t do anything but to be strong for them,” aniya.

Naikuwento rin ni Roz ang pagsi-share nila ng asawa niya sa iisang kotse at sa tagpong iyon ipinarada ni DeGeneres kasama si Andy Lassner ang handog na sasakyan sa Pinay bilang pagpapakita ng appreciation sa mga frontline worker.

“It’s just amazing what you’ve been doing. I know that you and your husband are sharing one car. So I’ve partnered with Hyundai and they want to thank you for your service. They want to give you this Hyundai Palisade. This is your car. No more Ubers for you,” sey ni DeGeneres.

Napahagulgol sa sobrang touch at kasiyahan ang Pinay.

Panoorin ang buong eksena sa video:

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?