312
SSS employee todas sa suntok ng sekyu
By

Pinay DH sa Hong Kong, nagpakamatay

Natagpuang patay ang isang Filipina domestic helper sa loob ng kuwarto nito sa pinagtatrabahuhang employer sa Hot Fai Road sa Hong Kong.

Ayon sa Hong Kong News, nakitang nakabigti si Elen noong Nov. 2.

Nakatanggap umano ng tawag ang Police Public Relations Branch mula sa hindi pinangalanang employer ni Elen alas-10:30 ng umaga noong Sabado.

Nakita ng employer si Elen habang nakabigti ng tuwalya sa loob ng kuwarto na agad niyang ini-report sa kapulisan.

Agad na dinala ang walang malay na Pinay sa Kwong Wah Hospital sa Yau Ma Tei pero namatay din kalaunan dakong alas-11:00 ng umaga.

Samantala, tinitingnang anggulo sa pagkamatay ni Elen ang kasong suicide pero isasailalim pa ang mga labi ng biktima sa awtopsiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?