19

Feb 9, 2021 @ 16:17
By

Pinay Chanelle Molina kumakatok sa WNBA

Bukod kay Kai Sotto, isang Pinay pa ang nagtatangka na makapasok naman sa international league na WNBA.

Inanunsyo ng Indiana Fever, na kanilang kinuha para maging trainee si Chanelle Molina, isang purong Pinay na naglaro para sa Washington State.

“OFFICIAL: We have signed Chanelle Molina to a training camp contract. Welcome to Indiana,” ayon sa post ng Indiana Fevers.

Nagpasalamat naman si Molina sa naturang koponan, at gustong irepresenta ang mga Pilipina sa WNBA.

“The WNBA has always been the goal, therefore I accepted and fell in love with the process to get here! There are not many Filipino women in the WNBA, so this is for the progress of women’s basketball all over the world. I will celebrate this success and accomplishment, but it’s back to helping my team overseas win in the morning. Thank you Indiana Fever for this opportunity,” lahad ng Pinay na lumaki sa Hawaii.

Kung sakali, si Molina ang kauna-unahang Pinay na makakapasok sa WNBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?