16

Nov 13, 2020 @ 12:05
By

Pinay candidate paborito sa Miss Globe

Nasungkit ng representative ng Pilipinas sa Miss Globe 2020 ang People’s Choice award.

Bukod dito, si Rowena Lucero Sasuluya ang tinanghal na fourth runner-up sa nasabing beauty pageant sa Tirana, Albania, na pinagwagian ni Lorinda Kolgeci ng Kosovo.

Sa kanyang Instagram stories ay pinakita ni Rowena ang kanyang korona at mga sash.

Caption niya pa: “Mahal kita, Pilipinas,” at “Maraming salamat sa inyong lahat.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?