267

By

Pinay bagong miyembro ng Black Eyed Peas

Magpe-perform ang Black Eyed Peas sa closing ceremonies ng Southeast Asian Games sa New Clark City sa Tarlac sa Disyembre 11.

Inanunsyo ng grupo na makakasama nila ang bago nilang miyembro na isang Filipina.

Hahataw si “The Voice of the Philippines” finalist Jessica Reynoso, na taga-San Pedro, Laguna, kasama sina Will.I.Am, Taboo at Apl.De.Ap., sabi sa TV Patrol.

Ipinangako ng Black Eyed Peas na big hit ang kakantahin nila para sa mga Pinoy fan sa closing ceremonies na magsisimula ng alas-6:00 ng gabi.

Makakasama ng Black Eyed Peas ang Journey lead singer na si Arnel Pineda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?