145
Pinay 3x3 sadsad sa China
Jun 7, 2019 @ 17:54
By

Pinay 3×3 sadsad sa China

Matapos ang magandang ipinamalas ng National women’s team sa preliminaries, natuldukan nitong Biyernes ang karera ng koponan sa 2019 FIBA 3×3 U18 World Cup nang matalo sa quarterfinals laban sa top seed China 21-12.

Hindi tumigil ang mga Pinay sa huling tatlong minuto ng laban matapos umiskor ng tatlong sunod na puntos sina Camille Izabel Clarin at Angelica Marie Surada, 15-12.

Sa ika-77 segundo ng laban, humataw si Chinese player Zhouze He ng back-to-back two-pointers para ilayo pa ang lamang sa 19-12 laban sa Pilipinas.

Dagdag pa ang jumper shot ni Bei Liu sa labas na linya, 22.7 natitirang oras sa laban.

Nakapasok ang PH U18 sa quarterfinals dahil sa 3-1 win loss record sa Pool C sa elimination round.

Pinataob ng Team Philippines ang mga bansang Czech Republic, Mongolia at Netherlands.

Ilan pa sa bahagi ng koponan si Ella Patrice Fajardo at Karl Ann Pingol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?