853

By

Pinatay na PNP exec, dating tauhan ng narco-general

Tila iniisa-isa na umanong itinutumba ng mga ‘di pa nakikilalang mga ‘gunman’ ang sinasabing mga naging tauhan ng tinaguriang ‘narco general’ na si dating Quezon City Police District (QCPD) PCSupt. Joel Pagdilao.

Ayon sa isang source sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), ang napaslang na si P/Insp. Romeo Nicolas Tandas, 49-anyos, nakatalaga sa District Tactical Operation Unit (DTOC), ng Quezon City ay isa sa mga dating opisyal sa District Anti-Illegal Drug (DAID) noong si Pagdilao pa ang QCPD director.

Nabatid na si Tandas ay dating kasamahang opisyal din ng nauna nang tinambangan na si si Retired CInsp. Roberto Razon, dating hepe ng (DAID) sa ilalim ng pamumuno ng sinasabing narco-general.

Magugunitang nito lamang nakaraang Nobyembre 26, dakong alas-12 ng tanghali ay pinagbabaril ng riding-in-tandem si Razon, sa panulukan ng Diokno Blvd. at Coral Way di kalayuan sa Mall of Asia, habang sakay ng kanyang kulay itim na Toyota Vios (AAY 2359).

Katatapos lamang umanong mag-inspeksyon ni Razon sa Solaire Resort and Casino kung saan umano nagtatrabaho ito bilang security officer nang tambangan ito.

Gayunman, bumuo na ng special investigation task group ang pamunuan ng QCPD na siyang tumututok ngayon sa naganap na pamamaslang sa nasabing opisyal.

Masusing sinisiyasat ng task force kung ang pamamaslang sa DTOC official ay may kinalaman o may nasagasaan itong maimpluwensiyang personalidad sa kanyang trabaho ngayon, o bilang dating opisyal din sa DAID kasama ni Razon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?