5

By

Pinatalim na Anti-Hazing Act, malaking tulong sa PNP

Sharing is caring!

Malaki ang maitutulong sa Philippine National Police (PNP) ng nilagdaang Republic Act 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police Director Oscar Albayalde.

Aniya, ang bagong batas ay tutulong sa PNP para sa mabilis na pagresolba ng kaso ng hazing.

Sa bagong batas, ipagbabawal na ang anumang uri ng hazing sa mga fraternities, sorrorities at iba pang organisasyon.

Bagama’t pinapayagan ang initiation, dapat na humingi ng permiso sa kinauukulang awtoridad ng paaralan pitong araw bago ito gawin.

Kung sakaling mauwi sa pagkamatay, rape, sodomy, mutilation o pagkaputol ng alinmang bahagi ng katawan ng biktima ng hazing, papatawan ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong at multang P3 milyon ang mapapatunayang direktang sangkot sa krimen.

Mananagot din ang paaralan, unibersidad, kolehiyo, faculty members, mga opisyal ng barangay, opisyal ng munisipyo o lungsod na mapapatunayang kasabwat.

Sa kabila na itinaas na ang parusa sa hazing, inihayag naman ni Albayalde na bumaba ang kaso ng hazing sa bansa, posible aniyang namulat na ang indibiduwal o grupo na nagpapatupad ng initiation rites na may pananakit.

“Well probably kung hindi mawala totally it will be

minimized. Actually it has gone already low lalo na sa PMA

because we have female cadets already. Nagbago na ‘yung standard doon,” sabi ni Albayalde. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?