34

Feb 20, 2020 @ 11:41
By

‘Pinas walang pangotra sa cyber warfare – Gordon

Kailangan umanong magkarooon ng cyber expert ang gobyerno para masawata ang posibleng cyber-attack sa bansa sa hinaharap, ayon kay Senador Richard Gordon.

Sabi ng senador, kulang sa preparasyon at plano ang pamahalaan pagdating sa cyber warfare at nangungulelat ang Pilipinas pagdating sa ganitong aspeto.

“Tumatakbo tayo para lang makasabay sa agos at nahuhuli pa tayo; hindi umaandar. Dapat maghanda tayo. The basic thing here is kulang tayo sa preparasyon; kulang tayo sa plano,” sabi ni Gordon.

“Kahapon, nag-committee hearing kami tungkol sa NGCP. Ang lumalabas, wala tayong plano for cyber warfare. We really have to plan ahead na dapat nakikita natin na kakailanganin natin ‘yung mga cyber expert,” dagdag pa nito.

Ipinanukala pa ni Gordon na magpadala ng mga estudyanteng Pinoy a ibang bansa para pag-aralan ang mga makabagong innovation at breakthrough technology tulad ng Japan at Korea.

“We really have to come out with avenues upon which we can create, for example, money for cyber scholars that we can send abroad,” sabi ni Gordon.

“The Japanese did it very well, the Koreans did it very well. They send their people abroad to learn the technology of other countries and they brought it back. They decided to become innovative. They decided to become visionary. If we do not do that, we will perish as a nation,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Gordon ang pahayag matapos ihayag ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Chief Executive Officer (CEO) Anthony Almeda sa pagdinig sa Senado noong Enero na nakaranas sila ng cyber-attack ng ilang beses.

Batay sa 2019 data ng Kaspersky Lab, isang Russian cybersecurity firm, ang Pilpinas ang ikalima sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming online threat.

Ang unang apat ay ang Algeria, Nepal, Albania at Djibouti.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?