11

Aug 6, 2020 @ 18:00
By

‘Pinas uutang ng P6 trillion

Para umano matugunan ang gastusin sa COVID-19 crisis, nakatakdang manghiram ng kabuuang P6 trillion ang Pilipinas sa 2020 at 2021, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Ayon sa kanya, kukunin ang 75 porsiyento ng uutangin dito sa bansa.

Dagdag niya, para mapondohan ang P4.5 trillion national budget para sa 2021 ay mangungutang ng P3 trillion sa susunod na taon, na kapareho ng inutang noong 2020.

“In 2022, the government will borrow P2.3 trillion,” wika ni Dominguez sa ulat ng Inquirer.

Kinumpirma naman umano ni National Treasurer Rosalia de Leon na tig-P3 trillion ang hihiramin ngayong taon at sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?