44

Nov 6, 2021 @ 21:57
By

Pinas umangat sa Nikkei Asia COVID ranking

Bahagyang tumaas ang ranggo ng Pilipinas sa inilabas na COVID-19 recovery ranking ng Nikkei Asia para sa buwan ng Oktubre.

Batay sa huling ulat ng Nikkei Asia, nakakuha ng 41.5 puntos ang Pilipinas at umupo ito sa ika-103 pwesto, katabla ang Afghanistan.

Sa ranking noong Setyembre ay pang-121 ang Pilipinas, kulelat sa naturang listahan.

Ang mga pinagbasehan sa pag-ranggo ay infection management, vaccination, at mobility.

Samantala, ang nanguna naman sa listahan ay ang United Arab Emirates na nakakuha ng iskor na 74, sinundan ng Malta (73.0), Chile (70.5), Saudi Arabia (70.0), Bahrain (70.0), Japan (69.0) at Colombia (69.0).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?