15

May 11, 2021 @ 10:45
By

‘Pinas top 2 sa pinakamaraming turok ng bakuna sa SEA

Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na nangunguna pagdating sa vaccination rollout.

Ayon sa report ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr., aabot na sa 2,409,235 ang bakuna naturok sa bansa buhat nang magsimula ang vaccination program noong Marso.

Sunod ito sa Indonesia, na may 21,993,299 bakuna nang nagamit buhat noong Enero.

Kung ikukumpara naman sa buong mundo, nasa 41st sa 194 bansa ang Pilipinas, pang-15 naman sa 47 nasyon sa Asya.

Inaasahan na dumami pa ang bilang ng mga babakunahan sa pagdating ng 193,000 dose ng bakuna mula Pfizer.

Tantsa ni Galvez ay papalo na sa 11 million ang dumating na bakuna sa bansa ngayong Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?