365

Dec 19, 2017 @ 19:19

Pinas, tinanghal na ‘deadliest country’ sa Asya para sa journalists

Tinanghal na pinaka-delikado o hindi ligtas na bansa para sa mga mamamahayag ang Pilipinas sa buong Asya.

Ayon sa report ng Reporters Without Borders (RSF), isang media watchdog, sa taunan nilang pag-estima sa mga napatay, nakulong, nabihag o nawawalang mamamahayag ay pasok ang Pilipinas dahil apat umanong mamamahayag na Pinoy ang napatay sa pagganap sa tungkulin nitong 2017.

Kasama rin sa top 5 ng pinaka-delikadong bansa para sa mamamahayag ang Mexico, Syria, Iraq, at Afghanistan kung saan tinanghal bilang ‘the world’s deadliest’ ang Syria.

Sa kanilang World Press Freedom Index na inilabas noong Abril 2017, binanggit ng RSF na isa rin ang Pilipinas sa pinaka-delikadong bansa para sa media, lumagak ito sa ika-127 sa 180 mga bansa.

Samantala, ayon pa rin sa reports ng RSF, 65 journalists na sa buong mundo ang napatay nitong taon na may kaugnayan sa kanilang trabaho.

Kinabibilangan ito ng 50 professional journalists, pitong citizen journalists, at walong media worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?