275

By

‘Pinas tinabla ang Russia, sa Amerika bibili ng helicopters

Sharing is caring!

Labing-anim na Black Hawk helicopters ang nakatakdang bilhin ng bansa sa Sikorsky Aircraft Corp., sa kabila na mas mura na ‘di hamak ang Russian equipment dito.

Ayon kay Defense Chief Delfin Lorenzana, ang desisyon na ito ay dahil umano sa US sanctions sa Russian military.

Nagkakahalaga ang bibilhing helicopter ng P12.67 billion, ayon pa sa Defense chief.

Una umanong plano ay bumili ng 16 Bell 412 helicopters sa Canada pero hindi natuloy ang deal noong Pebrero matapos tumanggi ang Canada dahil baka umano gamitin sa mga rebelde.

Posible umanong magkapirmahan ng kontrata para sa 16 Black Hawks sa susunod na taon.

Nakaraang taon nang pirmahan ni US President Donald Trump ang batas na nagpaparusa sa Russia matapos nitong sakupin ang Crimea mula sa Ukraine noong 2014; sa pagsuporta nito sa Syria at ang pakikialam umano sa 2016 US presidential election.

Mapaparusahan din maging ang mga kaalyado ng Amerika, gaya ng Pilipinas, sakaling bumili ng armas at mga gamit sa Russia, na ikalawang pinakamalaking exporter ng mga armas sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?