56

Aug 24, 2018 @ 15:24
By

‘Pinas sure sa bronze sa Ju-Jitsu

Sigurado na namang makakasikwat ng bronze medal ang Team Pilipinas sa nagpapatuloy na aksiyon ng 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Maglalaban para sa tansong medalya ang kapwa Pinay na sina Margarita Ochoa at Jenna Kaila Napolis sa Ju-Jitsu Newaza Women’s 49kgs alas-kuwatro ng hapon ngayong Biyernes.

Nanalo si Ochoa kontra Bayarmaa Mungkhgerel ng Mongolia sa Repechage Table A, samantalang talo naman si Napolis kontra Jessa Khan ng Cambodia sa Repechage Table B.

Ito na ang pampitong medalya ng Pilipinas na mayroon nang isang ginto at anim na tanso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?