1,685

Feb 1, 2020 @ 19:10
By

‘Pinas sinisi sa kasikatan ni Clarkson sa All-Star voting

Isang sorpresang manlalaro ang hindi nawawala sa tuktok ng NBA All-Star voting sa nakalipas na apat na taon.

Ito’y walang iba kundi ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson.

Sa report ng Hoopshype, kanilang inipon ang mga manlalaro na mas mataas ang fan vote kaysa sa player vote.

At nangunguna sa listahan ang Utah Jazz sixth man na si Clarkson.

Taong 2017 ay nasa sixth spot si Clarkson sa fan vote, sa mga boto naman ng kapwa player ay nasa 36th lang.

Nagtuloy-tuloy ang trend sa mga sumunod na taon: 2018 (11th fan vote – 33rd player vote), 2019 (14th fan vote – 43rd player vote) at ngayong 2020.

215,141 ang fan vote na nakuha ni Clarkson ngayong season, pang-14th sa liga, ngunit wala namang bumoto sa kanya sa mga kapwa manlalaro.

Sa tweet ng Hoopshype ay sinisi nito ang Pilipinas kung bakit nangunguna si Clarkson, na posibleng bulto ng boto ay mga Pinoy dahil sa kasikatan ng Jazz player sa mga kababayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?