43

Oct 6, 2021 @ 19:37
By

‘Pinas semplang sa COVID recovery ranking

Nakakuha ang Pilipinas ng pinakamababang iskor sa inilabas na COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia ngayong Miyerkoles.

Ang Nikkei Asia ay isang news magazine na pagmamay-ari ng Japanese company na Nikkei Inc. sa Tokyo.

Sinusuri ng index ang mga bansa at rehiyon sa infection management, pagbabakuna at social mobility.

Mas mataas na ranking, mas malapit ang isang lugar sa pagrekober sa pandemya – na kung saan mababa ang COVID case, mataas ang bilang ng nabakunahan at hindi gaanong mahigpit sa social distancing measure.

Numero uno sa COVID-19 Recovery Index as of Sept. 30 ang Malta, isang bansa sa Europe sa iskor na 73.

Pangalawa at pangatlo ang Chile at Bahrain sa iskor na 72 habang pang-apat ang United Arab Emirates sa 71.

Pasok sa Top 10 ang Saudi Arabia sa 70.5, Portugal (68.5), Hong Kong (68), Qatar (68), China (67.5), Hungary at Uruguay na kapwa may iskor na 67.

Pinakakulelat naman ang Pilipinas o pang-121 sa iskor na 30.5.

Kasama ng bansa na bagsak sa ranking ang Benin sa West Africa (35), Jamaica (35), Romania (34.5), Venezuela (34.5), Angola (34), Barbados (34), Vietnam (33), Gabon sa Central Africa (32.5) at Laos (31.5).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?