3

Feb 22, 2021 @ 17:21

’Pinas sasalihan 46 laro sa 2022 Asian Games

Nakatakdang salihan ng mga atletang Pinoy ang 46 sa 61 sports event ng 2022 Asian Games na ikakasa sa Setyembre 10 hanggang 25 sa susunod na taon.

Ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, naisumite na nila ang listahan sa organizing commitee noong Biyernes.

“We based our list on our effort to surpass our last achievement of four gold medals in Jakarta, because we improved a lot in the Southeast Asian Games,” wika ni Tolentino sa isang pahayag.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sasabak ang mga Pilipinong atleta sa kumpetisyon ng aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kayak, MTB at BMX cycling.

Bukod dito, sasalihan din ng mga Pinoy ang dance sport, men’s dragon boat, equestrian, fencing, men’s football, golf, judo, jiu-jitsu, kurash, karate, bridge, chess, esports, xiangqi, modern pentathlon, skateboarding, rowing, men’s rugby, artistic at rhythmic gymnastics.

Susubukan din ng mga atleta ang kapalaran nila sa kumpetisyon sa sailing, sepak takraw, shooting, sports climbing, squash, taekwondo, tennis, triathlon, weightlifting, wrestling, wushu, men’s at women’s volleyball at beach volleyball.

Nakatakdang ikasa ang 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?