14

Jul 22, 2021 @ 20:56
By

‘Pinas sa Thailand: Pinoy workers idamay sa bakuna

Nakiusap ang Philippine embassy sa Thailand na kung maaari ay palakasin ang pagbabakuna sa mga Pinoy workers sa naturang bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID doon.

Nitong Huwebes lamang ay naitala sa Thailand ang nasa 13,600 na mga panibagong kaso ng virus, dahilan upang kumilos ang embahada ng Pilipinas para masiguro na matuturukan ang mga Pinoy workers doon.

“We have been in touch with the Filipino community as well as the Thai authorities, because we have been appealing for a wider access to the vaccination,” pahayag ni Ambassador Millicent Cruz-Paredes.

Dagdag pa niya, nagbukas na rin ng registration portal para mapadali sa Thai government ang makontak ang mga Pinoy na nais maturukan.

“May mga portals din po ang Thai authorities for our Filipino community to register. We have always put that on our website, because we have been getting a lot of requests din po,” ani Paredes.

Bukod sa pagbabakuna ay inaasikaso na rin daw nila ang proseso upang mapauwi na ang ilan sa halos 30,000 Pinoy na naroon.

Pahayag ni Paredes, nasa 90 Pinoy na ang nagpahayag ng kagustuhang makauwi ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?