989

By

‘Pinas puno ng mga plastik – Gloria Diaz

Bukod sa mga Binibining Pilipinas candidate, naging scene-stealer din ang 1st Pinay Miss Universe na si Gloria Diaz.

Isa si Diaz sa mga hurado sa prestihiyosong beauty pageant, at sa Question & Answer portion ay nabunot nito ang aktres na si Jessica Marasigan.

Tungkol sa kalikasan ang naging paksa ni Diaz, ngunit tila may patama ito sa mga ‘plastik’ sa bansa/

“Philippines has most of the beautiful beaches in the world but we are also ranked one of the top three or four most polluted ocean, we’re full of plastic,” saad ni Diaz dahilan para maghiyawan at magpalakpakan ang madla.

“If you win Binibining Pilipinas, how could you make a difference to help clean up our oceans?” tanong nito.

Sa social media ay umani ng papuri si Diaz sa pagiging honest nito sa beauty pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: