By

Pinas, pinataob ang tatlong bansa sa sektor ng paggawa

Sharing is caring!

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na lumakas ang sektor ng paggawa sa bansa sa ikatlong bahagi ng taon.

Ayon kay Lopez, lumakas ng 9.4 porsiyento ang manufacturing industry at tumaas ng 22.4 porsiyento ang bahagi nito sa gross domestic product (GDP).

Bunga nito, tinalo ng Pilipinas ang China (6.8%), Malaysia (5.8%) at Singapore (4.6%).

Ang paggawa ng mga pagkain ang nangunguna pa rin sa kontribusyon sa manufacturing sector, kasunod ng paggawa ng radyo, television at communication equipment at paggawa ng mga kemikal.

Kasabay nito, tumaas din ang kontribusyon ng retail trade sector sa trade and repair.

Lumakas din ang export sector ng bansa at nangunguna na rito ang electronic products.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?